Sabado, Nobyembre 24, 2012

i said NO to forgiveness

Wounds are still fresh and its still totally hurts..
Remembering everything continually cut my heart into pieces.
 It feels like all my efforts were wasted. 
All the love and trust I built were all useless.
Everything was a lie.
 He betrayed me.
He broke my trust.
He made me cry. 
He put me down. 
He totally destroyed my whole life..... 

I gave everything. 
I did anything to keep the relationship.
I exerted all the effort to hold back. I've done everything to make him stay. 
But still all aren't enough....

I deserved more than this for all the efforts and sacrifices I have made.
But then I realized that life is not fair.
I can't do any, only to ask for his guidance and beg for his forgiveness. 
For now, it doesn't have place in my heart. 
For someday, I know that it'll surely happen. 
Let go, forgive and finally forget.):
 I won't stop praying, until he open his ears and offer his arms for me. :(

I'll be fine, SOON




RELATIONSHIPS

You are very blessed to have one that really lasts.
 In my case I almost have one, one that's almost perfect.
 I don't know if I lost it or it just became numb. 
All I know is that I knew I can't push it to come back in the way it was before. 
Maybe our hearts grown tired. 
Maybe we could no longer make it to go on.
Though we both tried our hardest to hold back for as hard as we could.
Still, that wasn't enough. Still, there's something missing.
I guess, we should start to accept that what we have is one of a failing relationship. :'( 
For in fact, God has a better plan to both of us than we have for ourselves. 
Plastic ako kung sasabihin kong nagsisisi ako sa mga nangyari, NO! 
During my past relationships, I always felt thankful. 
I was always grateful for every opportunity that God has given me.
There I'd experienced to love, appreciate and care for the people that I want to care for.


I was proud that after this downfall I was able to stood up and smile again.
I never lose faith that someday, God will send me the guy that was really meant for me. 
One, who wouldn't promise that he won't hurt me but just never does. 
One, where I can fully be myself w/ no limits and hesitations. 
One, who will totally accept everything about me.
 One, who will treat me like I'm his everything.
One. who'll be willing to give me the world just to see me happy.



I won't give up.
I will just keep on praying, hoping and waiting.
 I know someday, someone will take care of me and be a greater lover than I am. 
For now, I will just only enjoy self time.
For now, I shall discover a lot about what I dream and aspire.
For now, I shall loved myself more than anyone.

  

There's nothing more I can do for him, I can only pray for him to find acceptance and be positive.
I know one day it'll all be fine.
We can grow from these pains and feel new again.
Years may past and we'll see each other again.
I hope when that time comes,we'll be both fully recovered.
And we're finally be well grown ups'.

 
Move on. Love yourself. Enjoy self time. Mindset. Focus. Fight. Have faith.
Then God, will do the rest.



 .To my future lover,
 I hate you for being lazy. 
But I don't care, I love you anyways.
.

Huwebes, Nobyembre 22, 2012

Sana pag dating ng araw.
Sana kapag pwede na.
Sana kapag handa na tayo.
Sana tayo pa rin.

Martes, Nobyembre 20, 2012

Goodmorning Sunshine :)

In life, not everything we want can easily be in our hands. We should always work hard for it. Before we reach success there we first experience rejection and failure.. It tests our ability to move, grow and become a much better person. Our future is on our hands, not to God or to anyone else. We create our own path. We are the sailor of our own boat. We sometimes lose and win, for whatever it takes no one should be blame but only ourselves. Our destiny depends on what we do, where we go and how we decide for ourselves. Life is really like this. Life without problems, struggles and challenges isn’t considered as life at all. Never forget that there’s always a place for success and happiness. Just do your thing, be patient and responsible w/your life. Success will unexpectedly come in your way when you finally deserve to have it. J

Linggo, Nobyembre 18, 2012

DISPOSSESSED



Hindi lahat ng relasyon kahit pa gaano eto kaperpekto magiging paghabang buhay. Kahit masakit, kailangan tanggapin kung hindi ito ang nakalaan para sa'tin. Masakit at mahirap oo, lalo na kung inenjoy mo ang bawat panahon, araw, oras at minuto na hawak mo to sa mga kamay mo. Kahit ga'no pa ito kahirap at ga'no pa naapektuhan ang takbo ng buhay mo, wala kang choice kundi ang bumangon at magpatuloy para sa mga natitirang tao na nakapaligid sa'yo. Magpapatuloy ang buhay at iikot ang mundo kahit pa ayaw natin, kaya tayo wala tayong karapatan na tumigil o huminto sa nakaraan natin. Bagkus gamitin natin ang sakit ng nakaraan upang maging mas matagumpay sa kinabukasan. Lahat tayo magagawang bumangon kung gugustuhin natin. Hindi kailangan ng ibang taong sasandalan o pagbubuhusan ng atensyon upang makalimutan ang mapait na pinagdaanan, lahat tayo kaya lagpasan ang lahat ng sakit na idinulot ng bigong pag-ibig kung gugustuhan natin. MINDSET LANG, FOCUS! Magagawa mo......

Sa puntong ito ng buhay ko, dito ko lubos na naunawaan ang ibig sabihin ng pagmamahal. Dito ko naunawaan ang responsibilidad na kaakibat ng salitang ILOVEYOU. Dito ko ganap na natutunan gaano kabigat ang mga salitang ito. Sa kabiguang nararanasan ko ngayon, alam ko madami akong natutunan at matututunan pa. Haharapin ko to ng walang ibang aasahan o sasandalan kundi sarili ko lang. Magpapakatatag ako, hindi para sa kahit sino kundi para sa sarili ko. 


Dasal ko araw - araw ang recovery namin dalawa. Sana pareho namin maabot ang pangarap ng bawat isa samin. Hindi man ngayon kundi balang araw muli sana kaming maging mabuting makaibigan.

My Life, My Everything



Magdagdag ng caption

Sa buhay natin may inilalaan ang Diyos na pamilya sa bawat isa sa mga taong kanyang nilikha. Pamilya na magmamahal at aagapay sa panahon ng kabagsakan natin. Pamilya ng magmamahal satin kahit anu pa man ang kahinaan natin. Para sakin, pamilya yung natatanging hindi ka iiwan sa kahit anuman yung pinagdadaanan mo sa buhay. Sila yung hindi mawawala kahit na lahat ng tao sa mundo mo, iniwan at tinalikuran ka na. May mga panahon na may tampuhan at hindi pagkakaunawaan, pero sa pagtatapos ng isang araw isang salita pa rin yung mananaig sa puso’t isip mo, “MAHAL KO ANG PAMILYA KO”

Sa nararamdaman ko ngayon durog na durog ang puso ko. Hindi ko alam kung ano at sino ang magiging lakas ko para bumangon sa pagkakadapa na to. Sa mga oras na to, nakita ko ang matatamis na ngiti at masasayang tawa ng bawat miyembro ng mahal kong pamilya at ito ang sagot sa katanungang nagpapahirap sa sarili ko. Dito ko nasagot kung para kanino ba ako nabubuhay, para kanino ba ako magiging malakas, para kanino ba ang pagbangon ko sa bawat pagsubok na hinaharap ko sa buhay. Tumutulo ang luha ko pero ng makita ko sila na Masaya at kumpleto napangiti ako. Ngayon ko narealized kung gaano kalaki ang impact ng simpleng ngiti nila sakin.
Siguro, ngayon ko lang sila totally nabigyan ng buong atensyon at halaga, ngayon lang pumasok sa isip ko ang halaga ng bawat isa sa pagbuo ng pagkatao ko dahil siguro nuon wala akong sapat na oras para ibigay  ito ng buo sa kanila. Ngayon sobra akong nagsisisi at nanghihinayang na hindi ko sakanila sinasabi ang mga salitang, “MOMMY, DADDY, ATE, KUYA MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT. HINDI MAN KAYO PERPEKTO O MAY MGA PANAHON NA MAY TOPAK KAYO GUSTO KO PA RIN SABIHIN NA PARA SAKIN THE BEST KAYO.” Hindi ako sweet o madalas magpakita ng malasakit, pero sa kaibuturan ng puso o ng buong pagkatao ko nandun parin na priority ko sila higit sa sarili ko, sila muna bago ako. May kanya – kanya man silang kahinaan o kalakasan, lahat yun tanggap at mahal kong lahat. Kapag nasasaktan sila, ako ang kauna – unahang tao na luluha para sa sakit na nadarama nila, hindi man halata o hindi ko ipinapakita pero yun ang katotohan at proud akong sinasabi yun ngayon, ganon ko sila kamahal. Walang ibang magmamahal at tatanggap sa kapamilya natin kundi tayo lang. Yan ang halaga at role na ginagampanan ng pamilya sa atin.
Ngayon, sa bawat luhang pumapatak sa mga mata ko nagiging mas matatag ako at nailalabas ko ang mga emosyong kinikimkim ko sa puso ko. Ngayon matatag kong sasabihin na nabubuhay ako para sa pamilya kong to, hindi para sa sarili ko o kahit kanino, kundi para sa kanila lamang. Sila na nagsisilbing inspirasyon ko at lakas para bumangon, lumaban, abutin ang mga pangarap ko at harapin ang bawat kinabukasan ng buhay ko.

Mahal na mahal na mahal ko kayo. Mahal ko kayo higit pa sa sarili ko. Patawarin niyo ako sa mga panahong nasaktan at nabigo ko kayo. Ganitong tao lang ako, hindi perpekto at hindi kayang gawin lahat2x ng ineexpect niyong magawa ko pero alam ko balang araw makikita niyo rin na lahat ng kaya ko binubuhos kong lahat para sa inyo, kahit minsan hindi ko na kaya pinipilit ko pa rin kayanin para sainyo. Hindi ko man maibigay lahat ng pangangailangan niyo o lahat ng bagay na makakapagpasaya sa inyo, isa lang ang kaya kong ibigay ng buo sainyo, PAGMAMAHAL AT SUPORTA NA HINDI KAYA PANTAYAN NG KAHIT ANO AT SINO,