Linggo, Nobyembre 18, 2012

DISPOSSESSED



Hindi lahat ng relasyon kahit pa gaano eto kaperpekto magiging paghabang buhay. Kahit masakit, kailangan tanggapin kung hindi ito ang nakalaan para sa'tin. Masakit at mahirap oo, lalo na kung inenjoy mo ang bawat panahon, araw, oras at minuto na hawak mo to sa mga kamay mo. Kahit ga'no pa ito kahirap at ga'no pa naapektuhan ang takbo ng buhay mo, wala kang choice kundi ang bumangon at magpatuloy para sa mga natitirang tao na nakapaligid sa'yo. Magpapatuloy ang buhay at iikot ang mundo kahit pa ayaw natin, kaya tayo wala tayong karapatan na tumigil o huminto sa nakaraan natin. Bagkus gamitin natin ang sakit ng nakaraan upang maging mas matagumpay sa kinabukasan. Lahat tayo magagawang bumangon kung gugustuhin natin. Hindi kailangan ng ibang taong sasandalan o pagbubuhusan ng atensyon upang makalimutan ang mapait na pinagdaanan, lahat tayo kaya lagpasan ang lahat ng sakit na idinulot ng bigong pag-ibig kung gugustuhan natin. MINDSET LANG, FOCUS! Magagawa mo......

Sa puntong ito ng buhay ko, dito ko lubos na naunawaan ang ibig sabihin ng pagmamahal. Dito ko naunawaan ang responsibilidad na kaakibat ng salitang ILOVEYOU. Dito ko ganap na natutunan gaano kabigat ang mga salitang ito. Sa kabiguang nararanasan ko ngayon, alam ko madami akong natutunan at matututunan pa. Haharapin ko to ng walang ibang aasahan o sasandalan kundi sarili ko lang. Magpapakatatag ako, hindi para sa kahit sino kundi para sa sarili ko. 


Dasal ko araw - araw ang recovery namin dalawa. Sana pareho namin maabot ang pangarap ng bawat isa samin. Hindi man ngayon kundi balang araw muli sana kaming maging mabuting makaibigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento