Magdagdag ng caption |
Sa buhay natin may inilalaan ang Diyos na pamilya sa bawat
isa sa mga taong kanyang nilikha. Pamilya na magmamahal at aagapay sa panahon
ng kabagsakan natin. Pamilya ng magmamahal satin kahit anu pa man ang kahinaan
natin. Para sakin, pamilya yung natatanging hindi ka iiwan sa kahit anuman yung
pinagdadaanan mo sa buhay. Sila yung hindi mawawala kahit na lahat ng tao sa
mundo mo, iniwan at tinalikuran ka na. May mga panahon na may tampuhan at hindi
pagkakaunawaan, pero sa pagtatapos ng isang araw isang salita pa rin yung
mananaig sa puso’t isip mo, “MAHAL KO ANG PAMILYA KO”
Sa nararamdaman ko ngayon durog na durog ang puso ko. Hindi ko alam kung ano at sino ang magiging lakas ko para bumangon sa pagkakadapa na to. Sa mga oras na to, nakita ko ang matatamis na ngiti at masasayang tawa ng bawat miyembro ng mahal kong pamilya at ito ang sagot sa katanungang nagpapahirap sa sarili ko. Dito ko nasagot kung para kanino ba ako nabubuhay, para kanino ba ako magiging malakas, para kanino ba ang pagbangon ko sa bawat pagsubok na hinaharap ko sa buhay. Tumutulo ang luha ko pero ng makita ko sila na Masaya at kumpleto napangiti ako. Ngayon ko narealized kung gaano kalaki ang impact ng simpleng ngiti nila sakin.
Siguro, ngayon ko lang sila totally nabigyan ng buong
atensyon at halaga, ngayon lang pumasok sa isip ko ang halaga ng bawat isa sa
pagbuo ng pagkatao ko dahil siguro nuon wala akong sapat na oras para
ibigay ito ng buo sa kanila. Ngayon
sobra akong nagsisisi at nanghihinayang na hindi ko sakanila sinasabi ang mga
salitang, “MOMMY, DADDY, ATE, KUYA MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT. HINDI MAN
KAYO PERPEKTO O MAY MGA PANAHON NA MAY TOPAK KAYO GUSTO KO PA RIN SABIHIN NA
PARA SAKIN THE BEST KAYO.” Hindi ako sweet o madalas magpakita ng malasakit,
pero sa kaibuturan ng puso o ng buong pagkatao ko nandun parin na priority ko
sila higit sa sarili ko, sila muna bago ako. May kanya – kanya man silang
kahinaan o kalakasan, lahat yun tanggap at mahal kong lahat. Kapag nasasaktan
sila, ako ang kauna – unahang tao na luluha para sa sakit na nadarama nila,
hindi man halata o hindi ko ipinapakita pero yun ang katotohan at proud akong
sinasabi yun ngayon, ganon ko sila kamahal. Walang ibang magmamahal at
tatanggap sa kapamilya natin kundi tayo lang. Yan ang halaga at role na
ginagampanan ng pamilya sa atin.
Ngayon, sa bawat luhang pumapatak sa mga mata ko nagiging
mas matatag ako at nailalabas ko ang mga emosyong kinikimkim ko sa puso ko.
Ngayon matatag kong sasabihin na nabubuhay ako para sa pamilya kong to, hindi
para sa sarili ko o kahit kanino, kundi para sa kanila lamang. Sila na
nagsisilbing inspirasyon ko at lakas para bumangon, lumaban, abutin ang mga
pangarap ko at harapin ang bawat kinabukasan ng buhay ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento